Friday, February 8, 2008

nag champa

araw-araw, magsisindi ako ng insenso.
kumakapit ang bango sa aking balat.
malakas yung katahimikan mo.
ang sagot din ng katahimikan, eh.

parehong pareho ang pagibig ko.
kasi, puno ng kahulugan siya.
atsaka taimtim din siya.
walang hanggan, eh.

kinakalagan ko ang hapdi ng kalooban.
hindi ko na muling kailangan,eh.

walang tigil, walang maliw ang pagibig ko sa iyo.
palagi.
paalam...
paalam...
bumibitiw ako sa iyo.

No comments: